Nagpaalam na ang Olympian runner na si Usain Bolt sa kanyang karera sa track and field sa kanyang hometown sa Jamaica.
Sa ginanap na JN Racers Grand Prix, nanalo pa si Bolt sa 100-meter race.
Dinaluhan ito nina IAAF President Sebastian Coe and Jamaican Prime Minister Andrew Holness.
Tinapos ni Bolt ang 100-meter sprint sa loob ng 10 minuto at tatlong segundo.
Si Bolt ang nag-iisang atleta na nanalo ng gold medal sa 100 at 200 meter race sa tatlong magkakasunod na Olympics.