PINAS

Laptop ban sa mga flight ng Emirates Airline papuntang US, inalis na

Wala nang laptop ban sa cabin ng mga eroplano ng pinakamalaking Middle East (ME) airlines sa mga flight nito pa-Amerika.

Ayon sa Emirates Airlines, maaari nang makapagdala ng laptop ang mga pasahero nilang may flight papuntang US.

Unang inalis ng Amerika ang laptop ban para naman sa Etihad Flight na mula Abu Dhabi patungong Amerika.

Umaasa naman ang Turkish Airlines na maaalis na rin ang laptop ban sa kanilang mga flight.