PINAS

14 wildfires sa California, patuloy na inaapula

Sa California…

Tinatayang nasa limang libong bombero na ang idineploy para lamang maapula ang labing apat na wildfires na nagsimula pa noong Huwebes.

Ilan sa mga patuloy na inaapula ngayon ay ang Alamo fire sa  may 24,000 acres, bahagi ng Santa Barbara at San Luis Obispo Counties, ang Whittier fire na lumalamon ngayon sa 7,800 acres  ng Santa Ynez Valley at  ang Wall fire na kumalat sa 5,000 acres sa Butte County.

Sinasabing dahil sa mainit na temperatura at tuyong lupa ang nagdulot ng malalaking wildfire sa California.

Sa ngayon ay nasa libo libong mamamayan  na ang pwersahang pinapalikas.