PINAS

18 teroristang grupo at indibidwal na may kaugnayan sa Qatar, inilantad ng apat na Arab countries

Sa Gitnang Silangan….

Apat na bansang Arabo ang muling nagdagdag ng 18 grupo at indibidwal na umano’y may kaugnayan sa Qatar sa kanilang listahan sa mga terorista.

Ang listahang ito ay may nilalaman na nagyong 3 yemeni charity, tatlong Libyan media outlets, 2 armadong grupo at isang relihiyosong foundation at ang ilan sa mga ito ay may haharapin ng sanction sa Amerika.

Sa isang pahayag na inilabas ng Saudi Arabia, Egypt, United Arab Emirates at Bahrain, sinabi nito na ang mga aktibidad umano ng mga nasabing terorismong oganisasyon ay may kaugnayan umano sa mga orotidad ng Qatar.

Matatandaang pinutol ng apat na estadong ito sa gitnang silangan ang ugnayan sa qatar, ang pinakamalaking gas supplier at host ng pinakamalaking military base ng US sa middle east matapos akusahang nagkakanlong ito ng terorista.