Tatlong bagyo at dalawang Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na binabantayan ng PAGASA.
Kabilang dito ang Typhoon Noru, Tropical storm Kulay at Tropical storm Sonca na nasa labas pa ng Philippine Area of responsibility (PAR).
Ayon sa PAGASA, maliit pa ang tyansa na pumasok sa bansa ang tatlong bagyo pero pinalalakas ng mga ito ang umiiral na habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Maliban dito isang LPA din ang binabantayan sa labas ng PAR.
Habang ang LPA na nasa loob ng par ay huling namataan sa layong apatnaraan at apatnapung kilometro silangan hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar at may tsansang maging bagyo.