Bagama’t naulit muli ang ‘friendly fire incident’ na ikinasawi ng dalawang sundalo, walang balak ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil ang pagsasagawa ng air strike sa Marawi.
Ayon kay Brigadier General Ramiro Manuel Rey, head ng Joint Task Force Ranao, nakasalalay sa mga ground commander kung kailan at saan maglulunsad ng air strike.
Sinabi naman ni 1st Infantry Division Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera, na mahagala ang mga ‘surgical air strikes’ para mapulbos ang Maute terror group.
Sa ngayon ay nirerepaso na ng militar ang kanilang istratehiya para hindi maulit ang nasabing insidente.