Hindi apektado ang anumang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos masugatan ang apat na miyembro ng Presidential Security Group (PSG) sa isang engkwentro na naganap kanina sa Cotabato City.
Isang daang miyembro ng New People’s Army ang naka engkwentro ng mga PSG na papunta sana ng Cagayan De Oro City.
Ayon kay Brig. Gen. Lope Dagoy, commander ng PSG, tuloy ang buhay nila pati na rin ang mga activities ni Pangulong Duterte.
Hindi aniya nila ginising ang pangulo dahil maagang naganap ang insidente dahil under control naman ang sitwasyon.
Nilinaw ng commander ng PSG na apat lang ang nasugatan dahil na rin sa pito ang napaulat na miyembro ng PSG na nasaktan.
Dinala agad sa German Hospital ang mga sugatang PSG na siyang pinakamalapit na ospital kung saan naganap ang engkwentro at saka dadalhin ang mga ito sa Cagayan de Oro.
Paliwanag ng PSG na isang regular administrative movement lamang ng PSG o palitan ng duty ang pagbiyahe ng mga ito sa Cagayan de Oro mula sa Camp Panacan sa Davao City.
Nilinaw din ng PSG na walang aktibidad ang pangulo sa lugar.