NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
AKO ang puno, kayo ang mga sanga. Bawat sanga sa akin na hindi nagbubunga ay inaalis ng Ama at ang bawat sanga na nagbubunga ay bibigyan ng karagdagang atensiyon upang magdala ng karagdagan pang mga bunga.
Paano ninyo iyan gagawin?
TUMALIMA SA ANAK
Ito ay nangangahulugang manatiling tapat sa aking mga Salita. Ang Salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasalita sa aking sarili, kundi ng Ama na tumatahan sa akin ang gumagawa sa kanyang mga gawa (Juan 14:10).
Sinabi ko na sa inyo noon na ang kamay ng Ama ay nasa akin. Saanman ako tumungo, ang lugar na aking patutunguhan ay pinagpala. Sinumang tao na may kaugnayan sa akin ay pagpapalain, siya ay magiging mabunga. Hangga’t sinusunod nila ang anumang aking sinabi, saanman sila tumungo, sila ay mga sangang magdudulot ng bunga. Anumang misyong ibigay ko sa kanila, sila ay magtatagumpay. Kaya ako ay napakaingat. Lumalayo ako mula sa mga taong nais maging malapit sa akin ngunit ayaw sumunod sa anumang aking sinasabi dahil sila ay pagpapalain sa kabila ng lahat.
Kaya masaya ako na kasama kayo na matatapat. Ito ang dahilan kung bakit ang Panginoon, ang ating Dakilang Ama ay nagsabi 2,000 taon na ang nakalilipas, “Sino ang aking mga kapatid na lalaki? Sino ang aking mga kapatid na babae? Sino ang aking ama at sino ang aking ina?” Ang mga taong Kanyang pagpapalain… “Narito, nakita ninyo sila. Sila na nakikinig sa aking mga salita at tinutupad ang mga ito. Sila ang aking ama. Sila ang aking ina. Sila ang aking mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae. Sila ay pagpapalain ko.”
Kaya nga palaging may paglilinis sa Bansang Kaharian, kung saan ang Anak ang Ulo dahil ang mga Salitang ito ay tinutupad. Bawat sanga sa akin na hindi nagbubunga, sila ay pinuputol at bawat sanga na nagbubunga, sila ay bibigyan ng karagdagang atensiyon upang sila ay magdulot ng karagdagang bunga.
Sinabi Niya, “Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin at ako’y sa kanya ay siyang nagbubunga nang marami; sapagkat kung kayo’y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.” Ang Anak ang siya lamang makapagsasabi ng ganyan. Kapag ang denominasyon ay ginamit ito sa kanilang sarili, ito ay magiging alanganin. Hindi tama ang pagrepresenta nila sa Dakilang Ama sa napakaraming bagay. Ang ‘bunga’ na aking sinabi, una sa lahat ay mga kaluluwa na magiging mga anak na lalaki at anak na babae.
TANGING MGA ANAK NA LALAKI AT ANAK NA BABAE ANG MANANATILI SA BAHAY
Hindi kayo mananatili sa Kaharian, kung hindi kayo naging mga anak na lalaki at anak na babae; tanging ang mga anak na lalaki at anak na babae lamang ang mananatili sa Kaharian. Ang mga alila at alipin ay hindi mananatili sa Bahay. Sino ang mga alipin? Ang mga taong nagdesisyong sundin ang kanilang sariling kalooban, kagaya roon sa tagalabas na hindi nakikilala ang Kalooban ng Ama. Ang kanila lamang nakikilala ay ang sarili nilang kalooban. Lahat ng kanilang nalalaman ay kung ano ang gusto nila at ano ang kanilang gagawin. Ang mga makasalanan ay kagaya niyan. Sila ay gumagawa ng kanilang sariling kalooban. Hindi nila nalalaman ang Kalooban ng Ama.
Kapag pumasok kayo sa kasunduan, nilagdaan ninyo ito kasama ng inyong pangako sa pamamagitan ng pagsisisi at sasabihin ninyo, “Hindi ang aking kalooban kundi ang Inyong Kalooban ang masusunod, Ama.” Mananatili kayong alila hangga’t kayo ay nasa kamusmusan pa sa inyong kaalaman at karunungan at pag-unawa sa Kalooban ng Ama dahil kayo ay nasa ilalim ng mga tagapagturo at tagapangasiwa.
Ngunit may isang itinalagang panahon, na kayo ay lalampas sa pagiging isang alila, kapag wala nang taong magtuturo sa inyo kung ano ang gagawin, kapag kayo ay wala na sa ilalim ng mga tagapagturo at tagapangasiwa, kapag naabot na ninyo ang ganyang antas na pagtubo na makatatayo kayong mag-isa at sasabihin sa Ama, “Ang aking puso ay buo na, ang aking isip ay nakapagpasya na. Wala nang sinumang makapagpapabago sa akin sa pagsunod sa Kalooban ng Ama.” Kung gayon, kayo ay idineklara nang anak na lalaki at anak na babae at kayo ay magiging abala sa Kanyang gawain, kagaya ko. Maipadadala ko na kayo. ‘Kayo ay ibinigay sa mundo,’ ang yugto ay natapos na. Ngayon, ang ‘anak na lalaki at ang anak na babae ay ibinigay.’ Kayo ay ibinigay sa mundo. Kayo ay ibinigay sa inyong lugar, sa lugar ng responsibilidad, kung saan kayo ay makatatayo para sa Kanya, maging isang bandila ng kaligtasan doon at huwaran ng kaligtasan saanman kayo patutungo.
Ang Bansang Kaharian ay isang malaking espirituwal na pamilya ng mga anak na lalaki at anak na babae, walang sinumang maiiwan. Tinutulungan natin ang bawat isa dahil mayroon tayong espirituwal na idelohiya na “Kayo’y mangag-ibigan sa isa’t isa sa ganito’y mangakikilala ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad” (Juan 13:35). Tayo ay sinanay na maging mga anak na lalaki at anak na babae. Tayo ay dumaan sa proseso ng espirituwal na pagtubo dahil kapag naabot natin ang ganyang antas, kagaya ko, mamanahin ninyo ang lahat ng mga bagay, kagaya ko.
ANG TUNAY NA KALAYAAN AT PAANO ITO BABANTAYAN
Pahayag 21:7: “Siya na magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako’y magiging Diyos niya at siya’y magiging anak ko.”
Ako ay nanagumpay, kaya ako ang nauna. Ako ang Hinirang na Anak ng Panginoon. Ang binanggit na ‘siya’ sa talata ay umuuri sa lahat sa inyo, lahat kayong pumasok sa Kaharian. Siya na magtagumpay ay magmamana ng lahat ng mga bagay – lahat ng mga bagay na namana ko ay mamanahin din ninyo – buhay na walang hanggan, kaluwalhatian. Sa panahon na kayo’y magiging mga anak na lalaki at anak na babae ng Panginoon, mamanahin din ninyo ang anumang aking namana. Kapag kayo ay nasa antas na ng pagiging anak na lalaki at anak na babae, wala nang karukhaan dahil ang lahat ng bagay ay sasainyo.
Bawat taong pumasok sa Kaharian at lumagda sa kasunduan na “Ang Kanyang Kalooban ang matutupad” ay dadaan sa proseso ng espirituwal na pagtubo ng tubig at apoy. Sa panahong sila ay magtagumpay, malugod ko silang tatanggapin at sasabihin, “Ngayon, kayo ang mga anak na lalaki at anak na babae ng Ama.” Mamanahin ninyo ang lahat ng bagay. Walang sinumang maiiwan.
Ngayon, kayo ay malaya. Pinalaya kayo ng Anak. Malaya na kayo sa pagganap sa Kalooban ng Ama saanman kayo patutungo at lahat ng bagay ay sasainyo ngunit kailangan ninyong bantayan ang inyong kalayaan sa inyong permanenteng pagpili sa pagganap sa Kalooban ng Ama dahil kapag lumihis kayo mula riyan, babalik kayo sa pagkaalipin at ipadadala ko kayo sa panginoon ng mga alipin — ang Satanas, na si Lucifer ang demonyo.
(Itutuloy)