Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
Inisip ni Nebuchadnezzar ang ganitong mga bagay, “Aking kapangyarihan, aking karangalan.” Iyan ang panahon ng kanyang pagkabagsak. Pagkatapos may isang boses na naririnig mula sa langit, “Nebuchadnezzar, ang kaharian ay lumayo mula sa iyo…”
Daniel 4:32: “At ikaw ay palalayasin sa mga tao; at ang iyong tahanan ay mapapasama sa mga hayop sa parang; ikaw ay pakakanin ng damo na gaya ng mga baka; at makapitong mangyayari sa iyo; hanggang sa iyong maalaman na ang Kataastaasan ay nagpupuno sa kaharian ng mga tao, at ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.”
Narito ang aral mula sa langit: Noong ako ay nasa Tamayong, ang Ama ay nagturo sa akin nito, “Kapag binigyan ko ikaw ng pabor, kapangyarihan at otoridad, alalahanin ako palagi. Ako ang iyong Ama na siyang nagmamay-ari nitong lahat at maaari kong bawiin itong lahat mula sa iyo.”
At ang desisyon ng langit laban kay Nebuchadnezzar ay, “Kakain ka ng damo kagaya ng baka sa parang sa pitong taon hangga’t matutunan mo ang aral na ang Kataas-taasan ay namumuno sa kaharian ng tao. At ibinibigay sa kanino mang kaniyang ibigin.” Ganyan ang Ama sa langit. Kaya tinuruan ng aral si Nebuchadnezzar.
Tingnan ang mga powerhouses sa Middle East, sila ang namumuno sa kaharian ng tao. Si Saddam Hussein ay isa sa kanila. Si Gaddafi sa Libya ay isa rin sa kanila. Pakiramdam nila ay panginoon na sila. At ito ay nangyayari hindi lamang sa kaharian ng tao, ngunit maging sa kaharian ng entertainment. Tingnan ninyo sa Michael Jackson. Nang inisip niya na mas kilala siya kay Jesus Christ, natulog siya at hindi na nagising. Tingnan si John Lennon ng Beatles. Siya ang nagsasabi, “Kami ay mas popular kay Jesus Christ.” Pagkatapos isang araw, may isang taong humingi sa kanyang autograph at habang nilagdaan niya ito, may dumating na isang taong baliw at binaril siya sa ulo.
Tandaan na kayo ay mga tao pa lang. Wala kayong kapangyarihan, maliban na lamang kung ito ay ibinigay sa inyo.
Mga lider ng Kaharian, alam ninyo ‘yan na kagaya sa pagkakaalam ko dahil tayong lahat ay iisa dito at palagi nating binibigay ang kaluwalhatian sa Panginoon. Kaya ang Ama ay nalulugod sa atin. Kaya palagi tayong pinagpapala ng Ama.
Daniel 4:33: “Nang oras ding yaon…
Ang desisyon ay napakabilis! Sa Korte Suprema ng Langit, sa panahong kanya itong sinabi, ang salita ay nasa kanyang mga bibig, kumalabog na ang pamukpok sa langit. Sa Korte sa Langit, ang desisyon ay bumaba sa parehong oras. Ito ay natupad.
…ay natupad ang bagay kay Nabucodonosor: at siya’y pinalayas sa mga tao, at kumain ng damo na gaya ng mga baka, at ang kaniyang katawan ay nabasa ng hamog ng langit, hanggang sa ang kaniyang buhok ay lumagong parang balahibo ng mga aguila, at ang kaniyang mga kuko ay parang mga kuko ng mga ibon.”
Iyan ang mangyayari sa mga hibang.
Kinilala ni Nebuchadnezzar ang Panginoon
Daniel 4: 34: “At sa katapusan ng mga araw, akong si Nabucodonosor…
Pagkatapos ng pitong taon, sa isang iglap, hinayaan ng Ama na maibalik ang katinuan sa kanya.
“ay nagtaas ng aking mga mata sa langit…”
Ito ang panahon nang kanyang kinilala na hindi na siya ang panginoong dati ay kanyang inakala, at nagsimula siyang tumutok sa Panginoong mas makapangyarihan sa kanya.
“…at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man: sapagka’t ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali’t saling lahi.”
Huwag ninyo ‘yan kalimutan mga mamamayan sa Kaharian, mga anak na lalaki at anak na babae na nasa mga lugar ng napakahalagang liderato sa Espirituwal na Rebolusyon, sa Pinansyal na Rebolusyon at sa Rebolusyon ng Kagalingan, sa mga humahawak ng matatayog na mga posisyon sa Kaharian, tandaan iyan.
Lahat kayong nasa sekular na daigdig, tandaan ito. Nais ba ninyong pagpapalain? Magbigay kapurihan sa Ama at kilalanin ang Kanyang Hinirang na Anak.
Manatili sa Anak
Ako ang tunay na ubasan, kayo ang aking mga sanga. Ang Ama ay magpapala sa atin kapag hindi ninyo makalilimutan ang aral na ito. At sa Juan 15:8, Kanyang sinabi, “Sa ganito’y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo’y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo’y magiging aking mga alagad.”
May ibang hibang sa Bagong Tipan, 2,000 taon matapos dumating si Jesus Christ. Ito ang kuwento na naitala sa Salita ng Panginoon sa Gawa 12:20-24.
Gawa 12: 20-21: “At galit na galit nga si Herodes sa mga Tiro at taga Sidon: at sila’y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang magkaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka’t ang lupain nila’y pinakakain ng lupain ng hari. At isang takdang araw ay nagsuot si Herodes ng damit-hari, at naupo sa luklukan, at sa kanila’y tumalumpati.
Si Herod ay dating isang hari na idestino ng emperador ng Roma na maging hari ng Palestina, ang namumuno sa mga taong Hudyo. Kaya ang mga Hudyo sa Palestina ay napailalim sa kanya. Siya ay isang mananalumpati; at siya ay gumawa ng talumpati, nagsasalita ng napakahusay at sobrang nakahihikayat. Siya ay isang sweet talker.
Gawa 12: 22: “At ang bayan ay sumigaw, Tinig ng dios, at hindi ng tao.”
Kanilang ginawang panginoon si Herod.
At tingnan ang kahatulan ng langit kapag ginawa ninyo ‘yan.
Gawa 12:23: “At pagdaka’y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka’t hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios…”
Kaagad siya ay namatay. Kaya palaging ibigay sa Ama ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng Anak.
Gawa 12:24: “Datapuwa’t lumago ang salita ng Dios at dumami.”
Huwag itulad ang iyong mga salita sa Salita ng Panginoon o sa Salita ng Anak. Mawawasak kayo kung gagawin ninyo ‘yan. Palaging ibigay ang kaluwalhatian sa Kanya.
Paano ninyo ibigay ang kaluwalhatian sa Panginoon? Palaging unahin ang salita ng Ama sa pamamagitan ng Anak sa inyong buhay.
Mateo 6:33: “Datapuwa’t hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.”
Huwag kalimutan, ang magbigay karangalan sa Anak ay nagbigay karangalan sa Ama; ngunit ang hindi nagbigay ng karangalan sa Anak ay hindi nagbigay ng karangalan sa Ama na siyang nagpadala sa kanya.
Wala sinumang makapagtuturo sa inyo nito. Wala sinuman sa makarelihoyosong daigdig na makatuturo sa inyo na kagaya nito dahil hindi ito ibinigay sa kanila. Ito ay binigay lamang sa Hinirang na Anak. Kanyang pinakita sa akin ang mga ministeryong ito—ang pitong bus. Sinabi Niya, “Anim sa mga bus ay binigay ko na, ngunit ang ikapitong bus, ang pinakamaganda. Hindi ko siya binigay sa sinumang tao. Ibibigay ko ito sa iyo.”
Lahat ng bagay na meron ako ay binigay sa akin ng Ama. Kaya bawat bagay na meron tayo ay binigay ng Ama. Wala tayong pagmamay-ari sa mundong ito, minana lamang natin ito. Gagamitin natin ang mga ito ayon sa Kalooban ng Panginoong nagbigay sa atin, ang ating Dakilang Ama, at gagawin natin ang lahat ng bagay na naaayon sa Kanyang Kalooban.