NI: PASTOR APOLLO C. QUIBOLOY
WALA nang mas makapangyarihang tao kaysa kay Hitler. Siya ay kinatakutan ng lahat. Nasa kanyang mga kamay ang kapangyarihan. Ngunit nasaan na siya ngayon? Si Jesus Christ ay piñata sa krus at nasaan na Siya ngayon? Siya ang Hari ng langit at lupa.
Marami ang nag-akalang napakahina sa lahat ang anumang Kanyang dinala rito sa mundo dahil dinala Niya ang pag-ibig. Inakala nila na iyan ay kahinaan ngunit iyan ang pinakamakapangyarihang puwersa sa mundo. Ang puwersang iyan lamang ang makatatayo magpakailanman.
Kung sa inyong pamilya ay pito o walo kayong mga anak ngunit kapag tinakot mo silang lahat upang tumalima sila sa iyo, tingnan kung may sinuman sa kanila ang mananatili. Wala kahit isa ang mananatili sa iyo.
Hindi kayo makapamamahala sa pamamagitan ng terorismo. Hindi ninyo mapangangasiwaan ang mga tao sa pamamagitan ng terorismo o ang paggamit ng mga banta.
Kaya saloob ng Kaharian, ang pinakamakapangyarihang batas ay ang pag-ibig –ang pag-ibig ng Panginoon.
Tatanungin ko kayo, nang wala pa kayo sa loob ng Kaharian, ilan sa inyo ang dati ay drug addicts? Ano ang ginawa ng marami sa mga kabataan sa Kaharian na kabilangsa Keepers’ Club International kapag ipinangangaral ko sa kanilana ang Ama ay nagmamahal sa kanila? Kanilang iniiwan ang lahat ng bagay na hindi Niya kalooban.
Ngunit hindi ninyo maririnig sa akin na magsabi, “Lisanin ang droga.” Ang sinabi ko ay “Gumanap sa Kalooban ng Ama. Anuman ang hindi Niya kalooban ay iwanan.”Ang inyong puso ang magsasabi sa inyo sa pamamagitan ng kaalaman ng Ama na ang droga ay hindi Kanyang Kalooban. Boluntaryo ninyo itong iniwan, walang nanakot sa inyo upang gawin iyan.
Nang ang Dakilang Ama ay nagsabi, “Ibigin ang bawat isa,”ibigin natin ang bawat isa.Kapag sinabi ng Dakilang Ama, “Ibigin ang inyong kapitbahay kagaya ng inyong sarili.”Ibigin natin ang ating kapitbahay.Kapag sinabi ng Dakilang Ama, “Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo nang mabuti ang mga nangapopoot sa inyo, pagpalain ninyo ang sa inyo’y sumusumpa,” iyan mismo ang ating gagawin anuman ang mga kahinatnan.
Mga mamamayan sa Kaharian, tayo ay nasa sentro ng Kalooban ng Ama. Ang Bansang Kaharian ay ang pinakadakilang bansa sa balat ng lupa ngayon. Ang Bansang Kaharian ay ang bansang nasa ibabaw ng mga bansa sa mundo, kung saan ang bawat isa ay may iisang espiritu at iisangdebosyonsaDakilangAma. Mahal ko ang Kanyang panuntunan.
Wala nang ibang makapagtuturo ng pag-ibig at makapagpapahayag ng banal na pag-ibig, tanging si Jesus Christ lamang,ang ating Dakilang Ama.
Pinag-aralan ko ang lahat ng klaseng relihiyon– relihiyon sa Silangan, Gitnang Silangan, sinaunang relihiyon –anumang relihiyong kumikilala sa makapangyarihang Diyos sa taas, pinag-aralan ko ‘yang lahat bagama’t hindi ako nakatapos mula sa Theology – ang bagay na pinagsanayan ng DDDs at Phds, sa loob lamang ng tatlong buwan, natapos kong pag-aralan ang lahat ng mga relihiyon samantalang sila ay ginugol ang 12 taon sa pag-aaral nito. Sumulat sila nang bultu-bultong libro ngunit wala sa mga ito ang nakarating sa pagkakumpleto sa Kalooban ng Ama. Walang kahit isa ang nakatuon sa Kalooban ng Ama na lulutas sa mga problema ng mundo.
Ngunit tingnan natin. Saan man tayo tumungo, may mga magiging mamamayan sa Kaharian na magiging binhi ng katuwiran sa kanilang sariling mga bansa ngunit hindi sila mga panatiko. Tayo ang asin sa sanlibutan at tayo ay liwanag sa mundo.
Anuman ang ipinangaral ko ngayon ay upang buksan ninyo ang inyong mga puso at pumasok sa Bagong Pangako, sa Bagong Kasunduan, lagdaan ito ng inyong dedikasyon sa pamamagitan ng pagsisisi at pagkatapos ay tumungo at ganapin ang Kalooban ng Ama.
Gagabayan ko kayo na tumungo sa ikatlong antas ng pagtubo. Kapag nakarating kayo roon, kayo ay ang nakumpletong tao na sana ay nakumpleto sa Garden of Eden kung hindi lamang nalinlang sina Adan at Eba. Ito ay nakumpletongayonsa Garden of Eden Restored, nanagdulot ng isangHinirangnaAnakmulasa Fallen Adamic Race, na nagrerepresenta sa kabuuang sangkatauhan sa katauhan ng Hinirang na Anak ng Panginoon.
ANG KAHARIANG TATAGAL NANG WALANG HANGGAN
Mga mamayan sa Kaharian, tayo ay nasa sentro ng Kalooban ng Ama. Ang Bansang Kaharian ay ang pinakadakilang bansa sa balat ng lupa ngayon. Ang Bansang Kaharian ay ang bansang nasa ibabaw ng mga bansa sa mundo, kung saan ang bawat isa ay may iisang espiritu at iisang debosyon sa Dakilang Ama. Mahal ko angKanyang panuntunan.
Isang araw, maaaring hindi na ako makarating pa sa United Nations; magpapadala na lang ako ng isang taong kakatawan sa akin at siya ay magsasalita na kagaya ko roon. Sasabihin niya sa mga lider ng bansa sa mundo, “Hindi kayo tunay na nagkakaisa. Kayo ang mga bansang naglalaban-laban sa isa’t isa. Ang inyong mga panuntunan ay walang silbi. Makinig kayo sa akin, ako ang kumakatawan saHinirang na Anak ng Panginoon sa United Nations. Makinig sa anumang aking sasabihin! Malibanna kayo ay magsuko ng inyongkaloobansaKalooban ng DakilangAma, walang mangyayaring kapayapaan sa mundo.”
Ang mga tao sa Middle East ay napakapalaaway ngunit mayroon silang Panginoon at mayroon silang relihiyon. Ang mga tao sa ibang lugar ay walang Panginoon ngunit sila rin ang mga palaaway dahil sila ang panginoon ng kanilang mga sarili. At ang resulta niyan ay magiging ano? Ibang world war? World war III?
Tingnan ninyo kung gaano kaestupido ang mga tao. Nagpapatayan sila sa isa’t isa.Hindi nila nauunawaan ang bawat isa dahil sila ay mga panginoon ng kanilang mga sarili.
Sinabi ni Mao Tse-tung, “Ako ay higit na panginoon sa inyo.” Sumagot si Fidel Castro, “Hindi, ako ang higit na panginoon kaysa sa iyo.” Sasabihin ni Trump, “Ako ang higit na panginoon sa inyo. Bobombahin ko kayong lahat!”
Saan patutungo ang mundong ito kung ang lahat ng mga panginoon ay hindi susuko sa Panginoon ng Langit, sa Hari ng mga hari at tumalima sa Kanyang Kalooban?
Daniel 2:44: “At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Diyos sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailanman o ang kapangyarihan man niyao’y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputul-putulin at lilipulin niya ang lahat ng kahariang ito at yao’y lalagi magpakailanman.”
(Itutuloy)