Muling ipatutupad ng Land Transportation Office (LTO) ang Anti-Distracted Driving Act o ADDA matapos na amyendahan ang impelementing rules and regulations nito.
Sa muling pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act, 1:45 ng hapon umabot agad ng 46 ang nahuli ng MMDA gamit ang kanilang monitoring system.
Pero sa ngayon ay itinuturing na warning muna ang pagkakahuli sa kanila sa mga nakalabag sa bagong batas.
Ayon sa MMDA sa oras na masundan ng kaparehong paglabag ay asahan na umano ang mabigat na parusa para sa kanila.
Siniguro naman ni Land Transportation Office law enforcement unit Executive Director Atty. Francis Almora na gagamit ang LTO at iba pang katuwang na ahensiya ng high quality cctv cameras para makita ang mga driver na lalabag sa ADDA.
Aabot sa limang libo hanggang dalawampung libong pisong multa at pagkansela ng drivers license ang parusa sa mga lalabag.
Kasabay nito pinag-aaralan din ng mga kinauukulang ahensiya ang panghuhuli sa mga tinted na sasakyan kung saan hirap na makita sa cctv kung nilalabag ba ng mga ito ang ADDA.