PINAS

Aso, gumala sa entablado kasabay ng konsiyerto ng isang orkestra sa Turkey

Tumanggap ng standing ovation ang isang asong gumala-gala sa entablado sa isinagawang konsiyerto ng Vienna Chamber Orchestra sa Turkey.

Ipinakita sa video ang asong panatag na gagala-gala sa entablado nang inumpisahan ang pagtugtog ng Italian Symphony ni Mendelssohn.

Nasiyahan ang mga manonood sa pagpasok ng aso sa eksena, kung saan ay nakatanggap pa ito ng maraming palakpak, lalo na nang humiga pa malapit sa conductor na si Ola Rudner.