Dapat ay magsumite ng assessment ang militar at pulisya kaugnay ng Martial Law bago ikonsidera ng Kongreso kung palalawigin ba ito.
Ayon kay Ifugao Representative Teddy Baguilat, dapat ay malaman ng Kongreso ang mga nangyari sa naunang Martial Law declaration na ipinatupad noong Mayo 23.
Bukod sa pagdedesisyon kung dapat pang palawigin ang Martial Law, sinabi ni Baguilat na dapat ding imbestigahan ang mga umano’y pag-abuso sa karapatang-pantao sa Mindanao.
Sinabi rin ni Senador Tito Sotto na dapat ay makatanggap ng report ang Senado bago desisyonan kung palalawigin pa ang Martial Law.