Nakangiting nag-selfie ang isang babae sa Texas sa isang delivery room ng ospital samantalang ang kanyang nakababatang kapatid ay sumisigaw sa sakit samantalang ipinanganganak nito ang panganayna sanggol.
Sinabi ni Kat Armendariz, 27, nakatatandang kapatid ni Kimberly, 20, na ipinaalam niya sa kanyang kapatid na kukuhanan ang naturang pagkakataon, na sa huli ay nagkamit ng nasa mahigit 500,000 views sa Imgur site.
Matapos ang 15 oras na panganganak ay naisilang ang isang lalaking sanggol na pinangalanang “Zayden.”
Hindi naman mailarawan ni Kat ang nararamdaman nang makuha ang eksaktong pagkakataong iyon, kungsaan ay nakuhanan niya ang pinakakritikal na bahagi ng panganganak ng kapatid.