Idineploy na ang bagong batalyong PNP-Special Action Force na magbabantay sa New Bilibid Prisons.
Sa gitna ito ng mga ulat na muling nagbabalik sa naturang kulungan ang iligal na kalakalan ng droga.
Ayon kay Justice undersecretary Antonio Kho Jr., nag-take over na ang bagong batalyon ng SAF para bantayan ang NBP maximum security compound.
Tiniyak naman ni Kho na mareresolba ang mga ulat na nalipat na sa medium security compound ang illegal drug trade.
Nasa apatnaraang SAF troopers ang na-assign sa Bilibid Hulyo noong nakaraang taon.
Inatasan na ni Justice secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa ng imbestigasyon at magsampa ng kaukulang kaso sa mga sangkot sa pagbabalik ng illegal drug trade.