Nilagdaan ng Pilipinas at China ang Memorandum of Understanding kaugnay sa pagpapalakas ng bilateral relation sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang naturang kasunduan ay napirmahan kasunod ng pagbukas ng bilateral meeting sa pagitan ni Chinese foreign minister Wang Yi at Foreign affairs secretary Alan Peter Cayetano na ginanap sa isang hotel sa Manila.
Ayon kay Cayetano kabilang sa mga lugar kung saan lalong pinalalakas ang ugnayan ng Pilipinas at China ay ang may kinalaman sa turismo, pangangalakal, laban sa iligal na droga, terorismo, isports, sining, agham, teknolohiya, pananalapi at pinalalakas din nito ang relasyon pang tao at gobyerno.
Aminado naman si Yi na sa loob ng dalawang buwan nakalipas ng pag-uusap ng dalawang foreign minister ay nanatili pa rin malakas ang relasyon ng Pilipinas at China.
Sa isinagawang bilateral meeting tinalakay din ang isyu sa West Philippine Sea.
Sa mga naging pahayag ni Cayetano matapos ang moa signing ay makabuluhan nyang sinabi na ang likas na yaman ay galing sa diyos kayat nararapat lamang na pakinabangan ito ng bawat tao.
Idinagdag din ng kalihim na umaasa sya kaugnay sa usapin pang kalikasan ay mauuwi sa matatag at mapayapang usapin na pakikinabangan ng mga tao sa bansa.
Kaugnay nito nanawagan naman si Yi sa Pilipinas at sa mga member states ng ASEAN na magkaisa at tumayo para pigilan ang mga puwersang hindi pangrehiyon na nakikialam sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Matatandaan makailang beses na rin naglayag ang barko ng Amerika sa loob ng 12 nautical miles zone na itinuturing na pag aari ng Tsina.