Pinayagan ng korte ang entrepreneur at modelo na si Blac Chyna o Angela White sa totoong buhay na makakuha ng temporary restraing order na nagbabawal sa ex-fiancee nito na si Rob Kardashian na lumapit sa kaniya o magpost ng kahit ano sa internet laban sa modelo.
Ito ay matapos umapela si Chyna sa korte noong Lunes bilang isang biktma ng cyber bullying ni Kardashian.
Sa isang instagram post noong Wednesday, ay inakusahan ni Kardashian na manloloko at oportunista si Chyna at nagpost ng mga offensive na larawan ng modelo na walang pahintulot nito.
Samantala, handa naman raw sumunod ang kampo ni Kardashian sa nasabing kautusan .
Naitakda naman ang susunod na pagdinig sa kaso sa Aug 8.