Laking pasasalamat ng mga taga BF Resort sa Las Piñas City dahil may mapaglalagyan na ang kanilang mga kitchen waste na pwede pang gaawing pataba sa lupa.
Isang composting facility kasi ang ipinagkaloob ni Sen. Cynthia Villar sa mga taga BF Resort Las Piñas upang magamit ang kanilang mga kitchen waste bilang pataba sa lupa kaysa itapon lang ito ng di na pakikinabangan.
Ayon kay Sen. Villar mahalaga ang pagkakaroon ng waste management sa isang lugar upang maiwasan mabulok ang mga basura na kadalasan pinagmumulan ng sakit.
Bukod rito ay mabebenipisyuhan pa ang mga magsasaka na mabibigayn ng libreng organic fertilizer mula rito at makatitipid rin ang syudad ng Las Piñas sa waste disposal.
Mga magsasaka mula sa bahagi ng north luzon ang mabibiyayaan ng organic fertilizer na ipamamahagi ni Sen. Villar.
Layunin din ng senadora na magkaroon ang ibang syudad ng ganitong programa na bukod sa makatutulong sa mga magsasaka at bawas gastos sa pagtatapon ng basura sa mga landfill.