Sugatan ang pitong miyembro ng Presidential Security Group (PSG) matapos tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang convoy nito sa Barangay Gambudes, Arakan, North Cotabato.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command Deputy Commander Brigadier General Gilbert Gapay, nagkaroon pa ng engkwentro sa pagitan ng dalawang panig matapos ang pananambang.
Tinatayang nasa isang daang miyembro ng npa ang nasa likod ng pananambang na nagpanggap na mga sundalo.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang tropa ng militar matapos ang insidente.
Matatandaang ibinunyag ng Philippine National Police (PNP) na planong umatake ng NPA bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo a-bente kwatro.