Dalawang bangkay ng Vietnamese na pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang natagpuan sa Tumahubong, Sumisip, Basilan.
Kinilala ang mga biktima na sina Hoang Va Hai at Hoang Trung Thong na dalawa sa anim na tripulante ng MV Royal 16 cargo vessel na dinukot ng ASG noong Nobyembre 11, 2016 sa karagatan ng Sibago Island sa Basilan.
Isa naming crewman ang nailigtas na noong Hunyo 2017.
Sa ngayon ay tatlo pang Vietnamese ang hawak ng ASG.
Naniniwala naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na isa lamang propaganda ang ginawang pamumugot ng ASG para ipakitang malakas pa rin sila.