PINAS

Dating Manila Vice mayor Isko Moreno, itinalagang bagong Chairman/CEO ng Northrail

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Manila vice mayor Isko Moreno bilang bagong chairman at CEO ng North Luzon Railways Corporation o Northrail.

Hulyo a-dose ng unang italaga ni Duterte si Moreno bilang miyembro ng Northrail board pero kahapon lamang inanunsyo ng Malakanyang ang appointment at nominasyon nito bilang chairman.

Kasabay nito, nagpadala naman ng mensahe si Moreno sa Malakanyang para kumpirmahing siya na ang bagong chairman ng Northrail.

Ayon kay Moreno, inaprubahan na rin ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang kanyang posisyon.

Labis namang nagpapasalamat si Moreno kay Pangulong Duterte dahil sa ibinigay na pagkakataong makapagsilbi uli sa publiko.