PINAS

Deactivation ng mga driver, haharangin ng Grab

Nangako ang ride-sharing service na Grab na hahadlangan nila ang pagde-deactivate sa kanilang mga driver.

Sa statement ni Grab Philippines Head Brian Cu, maghahanap sila ng “middle ground” para maiwasan ang nasabing crackdown.

Magkakaroon aniya ng serye ng mga pulong sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Grab para maiwasan din ang hindi magandang epekto ng crackdown sa mga driver at pasahero.

Nagbanta ang gobyerno na huhulihin ang mga Grab at Uber driver na walang operating license.

Una nang pinagmulta ng LTFRB ang Grab at Uber ng tig-limang milyong piso dahil sa paglabag sa kanilang mga permit.