PINAS

Derrick Rose, lumipat na sa Cleveland Cavaliers

Pumirma na ng kontrata sa Cleveland Cavaliers ang dating NBA MVP na si Derrick Rose.

Ang one-year contract ni Rose ay nagkakahala ng 2.1 million dollars.

Mas maliit ito kung ikukumpara sa 21.3 million dollars na deal sa New York Knicks noong nakaraang season.

Ayon kay Rose, nakausap na niya ang four-time MVP na si Lebron James matapos ang desisyon na lumipat sa Cavs.

Ito ang unang hakbang ng Cavaliers matapos ianunsyo ni Kyrie Irving na gusto na niyang lumipat ng koponan.