Aminado ang Department of Health (DOH) sa hindi matagumpay na pagpapatupad ng nationwide smoking ban ni pangulong rodrigo duterte na nagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, sa kanilang paglilibot ay may mga nakita pa rin silang naninigarilyo sa pampublikong paaralan at mga nagtitinda ng sigarilyo.
Sinabi ni Tayag na bagamat sa unang araw ay maaaring masabing bigo sa pagpapatupad ng EO No. 26, unti-unti ay magtatagumpay rin ito.
Pagbibigay diin pa ni Tayag, trabaho na ng lokal na pamahalaan ang pagmo-monitor at pagpapatupad sa nationwide smoking ban.
Dagdag pa ni Tayag, maaaring tawagan ang DOH hotline para maisumbong ang mga establisyimentong lalabag sa naturang kautusan.