PINAS

Drilon, dudang walang kinalaman si Aguirre sa kaso ni Supt. Marcos

Duda si Senate minority leader Franklin Drilon na walang kinalaman si Justice secretary Vitaliano Aguirre sa pagpapababa ng kaso laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kasi kay Justice undersecretary Reynante Orceo, hindi niya kinonsulta si Aguirre sa pagda-draft ng nasabing resolusyon.

Ani Drilon, tila malakas ang loob ni Orceo na hindi man lang tanungin si Aguirre patungkol sa isyu lalo pa’t taliwas ito sa desisyon ng senado, NBI, at DOJ.

Dagdag pa ng senador, ‘incredible’ na nagdesisyon si Orceo na ibaba ang kaso ng grupo ni Supt. Marvin Marcos gayong maaari naman itong ipaubaya sa korte.