Sagot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang gastos para sa pagpapalibing sa dalawampu’t pitong bangkay na narekober sa Marawi City sa kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng Maute teror group at ng puwersa ng pamahalaan.
Paliwanag ni DILG provincial director Mac Lucman, mayroong nilagdaang memorandum ang DSWD, lokal na pamahalaan at punerarya ukol sa gastusin sa pagpapalabing.
Sa dalawampu’t siyam na bangkay na nakuha sa war zone, dalawampu’t pito ang naihimlay na kanina sa Maqbara Pubic Cemetery sa Barangay Papandayan Canyogan.
Dalawa sa mga bangkay ang inaangkin ng nagpakilalang kamag-anak.
Sa parehong sementeryo naman ililibing ang iba pang bangkay na marerekober oras na matapos na ang gulo sa Marawi.