Nasungkit ng Gilas Pilipinas ang ikatlong sunod na panalo sa 2017 William Jones Cup.
Tinalo ng Gilas ang Japan sa iskor na 100-85 sa kabila ng mala-seesaw na laban hanggang fourth quarter.
Naging mahigpit ang laban hanggang sa huling quarter bago sumabog ang opensa ng Pilipinas para gumawa ng 14-1 run sa iskor na 86-74.
Pinangunahan ni Christian Standhardinger ang gilas nang pumukol ito ng 22 points at 15 rebounds.
Makakaharap ng Gilas ang Korea Bukas, alas singko ng hapon.