PINAS

Gilas Pilipinas, unang sasagupain ang Thailand sa SEA Games

Buena manong makakalaban ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Thailand sa pagsisimula ng title defense nito sa SEA Games sa Agosto a-dose sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ang Thailand ang pinakamahigpit na kalaban ng Gilas sa group stage matapos ang naging laban nito sa nakaraang SEABA Championship.

Ang Indonesia naman ang paboritong koponan para sa gold medal match ngayong taon.

Pinangungunahan ng Gilas ang Group A.

Habang ang Cambodia, Indonesia, Laos, Singapore at Vietnam naman ang bumubuo sa Group B.

Ang top 2 teams ang didiretso sa crossover semifinal round.