NI: SHANE ELAIZA ASIDAO
Maaaring umabot sa $1 bilyon ang global sales ng Amazon ayon sa datos ng JP Morgan. Magre-representa ito ng mahigit 55% na pagtaas sa kanilang sales kumpara sa nakaraang taon.
Lumaki ang shares ng mga imbestor ng Amazon dahil sa malakas na kita sa kasagsagan ng Prime Day ng kumpanya. Inaasahang tataas ang shares nito ng 1.8% kasama ng pagdami sa stocks ng kanilang tech sa Wall Street.
Ngunit, bumaba ang Best Buy at Macy’s na kilala bilang isa sa mga tradisyunal na retailers ng kumpanya sa halos 6% at ang Kohl na bumaba ang stock ng 5%
Sa kabilang banda, ayon sa pahayag ng JP Morgan, inasahan na nilang makaka-apekto ito sa shares ng kalaban na firm kagaya ng Walmart na hindi pa naaapektuhan sa mga nakalipas na taon. Umabot ng 2.8% ang pagbaba sa stock ng nasabing kumpanya.
Taunang isinasagawa ang Prime day ng Amazon kung saan ibinebenta nila ng may discounts o sa mas mababang halaga ang kanilang mga produkto para sa mga miyembro ng subscription service ng Amazon.