PINAS

Grab, naghain  ng apela sa LTFRB 

Kapwa nagpasalamat ang Grab at Uber sa suporta ng publiko sa gitna ng napipintong crackdown ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga colorum na TNVS.

Sa statement ng Uber, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga mambabatas na nagpahayag ng pagsuporta sa ride-sharing services na inaalok ng Transport Network Companies (TNC).

Kapwa sinabi ng pamunuan ng Grab at Uber na makikipag-dayalogo sila sa LTFRB para mapigilan ang naturang paghihigpit.

Ipinagtanggol din ng dalawang TNC ang kanilang ride-sharing technology na makakatulong anila sa trapiko.

Samantala, naghain naman ng apela sa LTFRB ang Grab Philippines sa utos ng ahensya na huwag payagang magbiyahe ang mga grabcar na walang prangkisa.