PINAS

Horn, wagi vs Pacquiao base sa rescoring ng WBO

Kinumpirma ng World Boxing Organization (WBO) na ang Australian boxer na si Jeff Horn ang nagwagi sa welterweight fight laban kay Manny Pacquiao.

Base sa rescoring ng WBO kasama ang Games and Amusement Board (GAB) sa Pacquiao-Horn fight noong Hulyo a-dos, limang rounds ang nakuha ni Pacquiao kabilang dito ang rounds 3, 5, 8, 9, at 11.

Habang nakuha naman ni Horn ang rounds 1, 2, 4, 6, 7, 10, at 12.

Una nang sinabi ni Horn na handa siyang muling labanan si Pacquiao.