Pinas News
Sa Antarctica…
Isang malaking iceberg na may bigat na isang trilyong tonelada ang nabasag sa kalurang bahagi ng Antarctica ayon sa UK-based research team doon.
Ang mga eksperto mula sa Project Midas ay minomonitor ang pagkabasag na ito sa Larsen C Ice Shelf, ikaapat na pinakamalaki sa buong Antarctica na sumusunod sa pag-collapse ng Larsen A Ice Shelf noon pang 1995.
Ang paghihiwalay umano na ito ng 5,800 kilometro kwadradong seksyon ng Larsen C ay patuloy nababasag noon pang Lunes hanggang kahapon, Miyerkules ayon sa Aqua Modi Satellite ng NASA.