Nagbabala ang isang senior diplomat sa mga Pinoy na iligal na nagtatrabaho sa China na posible silang arestuhin at ipa-deport ng mga Chinese authorities.
Ito, ayon kay Philippine Consul General Julius Flores, ay dahil pinagbabawalan na ng China ang mga foreign domestic helpers sa kanilang bansa.
Sa kabila ng paghihigpit ng China, sinabi ni Flores na mas gusto pa rin ng mga Chinese ang mga Filipino household workers dahil sa kakayanahn nilang magsalita ng ingles.
Una namang sinabi ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana na pinag-aaralan na ng China na alisin unti-unti ang kanilang employment ban sa mga foreign maids.