NI: SHANE ELAIZA ASIDAO
Inanunsyo ni Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi ang tagumpay ng Iraqi security forces at U.S. military kasama na ang Iraqi militia forces, Kurdish Peshmerga fighters at iba pang kakamping mga bansa laban sa ISIS.
Natapos ang mahigit tatlong taong pananakop ng ISIS sa Mosul kung saan ito ang isa sa pinakamalaking syudad sa Iraq.
Ginawang “Islamic caliphate” ng ISIS ang nasabing lugar kasama na ang Raqqa sa Syria na kanilang kinonsidera bilang pangalawang kabisera.
Ayon kay Prime Minister al-Abadi, itinuturing ito na tagumpay laban sa kadiliman, terorismo at kalupitan.
Ngunit, ayon sa pahayag ni Army Lt. Gen. Stephen Townsend, commander ng anti-ISIS Operation Inherent Resolve, “Make no mistake; this victory alone does not eliminate ISIS and there is still a tough fight ahead. But the loss of one of its twin capitals and a jewel of their so-called caliphate is a decisive blow.”
Dagdag pa niya na kasama sa tagumpay ang napakaraming sakripisyo gaya ng pagkawala ng buhay ng mga pulis, sibilyan at mga lumaban sa gyera. Pati na rin ang mga relihiyosong mga kagamitan ang nadamay sa gulo at nasira.
“People of all ethnicities and sects have suffered and sacrificed together, not only for their own country, but to help provide security to the region and the world,” pahayag ni Townsend.