PINAS

Israel, tatanggalin ang mga metal detectors sa isang holy site

Sa Israel…

Itinakda ng gabinete ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagtatanggal ng metal detectors sa isang holy site sa Jerusalem.

Ito ay napagdesisyunan matapos magkaroon ng kaguluhan noong Hulyo katorse sa temple mount ng mga Hudyo at Haram Al-Sharif ng mga Muslim kung saan dalawang pulis ang namatay.

Ayon sa pahayag ng gobeyrno ito ay nagsasabing papalitan ang inspeksyon mula sa metal detector at gagawing simpleng inspeksyon na lamang pero gagamit pa rin ng teknolohiya para rito.