Nanguna ang Japan sa mga bansang inalmahan ang alok na dayalogo ng South Korea sa North Korea sa darating na Hulyo a-beinte uno.
Ayon kay Japan Foreign Ministry Spokesman Norio Maruyama, hindi prayoridad na makipag-usap sa North Korea, bagkus ay panahon na para i-pressure ang naturang bansa na itigil ang kanilang pagpapakawala ng missile.
Kung maaalala, madalas ay sa teritoryo ng Japan bumabagsak ang pinapakawalang missile ng North Korea.
Una rito, nag-alok pa rin ng dayalogo ang South Korea sa kabila ng sunud-sunod na missile test ng North Korea, sa hangaring tuldukan na ang mga mapanganib na aktibidad ng pangalawang nabanggit na bansa.
Nabatid na mismong si South Korean President Moon Jae-In ang nagsabi na kailangan ang dayalogo sa pagitan nila ng North Korea para maibsan ang tensyon sa nuclear at missile programs.