PINAS

Knauf sa Germany, mamumuhunan ng P2.5 bilyon sa Pilipinas

NI: SHANE ELAIZA ASIDAO

Mamumuhunan ang Knauf Gips KG, nangungunang manufacturer of building solutions ng bansang Germany, ng USD50 milyon o PHP2.5 bilyon sa Pilipinas ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Magtatayo umano ng pasilidad ng pagawaan ang naturang kumpanya sa Calaca Seaport sa probinsiya ng Batangas upang maglikha ng gypsum-based plasterboard kungsaan nangunguna ito sa paggawa ng naturang produkto sa mundo.

Ayon kay Lopez, ang itatayong pagawaan sa Batangas ay magdulot sa kapwa lokal at internasyonal na  merkado at ang inisyal na puhunan nito ay magbigay ng 100 bilang na trabaho.

“They recognize the fast growing Philippine market, the stability of business environment in the Duterte administration and the quality output of Filipino workers,” wika ni Lopez.

“DTI and BOI (Board of Investments) committed to provide assistance in documentary requirements and accredited contractor as they aim to commence commercial production toward early 2018,” dagdag ni Lopez.

Kamakailan lang ay nagkaroon na ng groundbreaking nakarang Mayo 9 sa isang 6-ektaryang lupain sa Calaca Seaport ang naturang kumpanya.

Malaki ang paniniwala ng Knauf sa pagtayo ng pagawaan sa Pilipinas dahil sa umuunlad na konstruksyon at mabilis na pagtubo ng ekonomiya ng bansa.

Kabilang sa mga produkto ng Knauf Group ang modern insulation materials, dry-lining systems, plaster and accessories, thermal insulation composite system, paint, floor screed, floor systems, at construction equipments and tools.

Umabot na sa 150 bilang ng manufacturing plants at sales organization ang naturang kumpanya na may 26,000 bilang ng mga empleyado sa mundo.