Ang mga taong kumakain ng high-protein na pagkain kagaya ng pagkain ay mas nag-iimbak ng fats lalo na kung sinasamahan mo pa ito ng softdrinks.
Lumalabas sa bagong pag-aral na hindi natutunaw ang 1/3 ng calories ng iyong kinain dahil sa softdrinks na iyong ininom.
Ayon kay Shanon Casperon, isang biologist sa US Department of Agriculture na kung dadagdagan pa ng extra carbohydrates ang iyong kinain kagaya ng pag inom ng softdrinks, magkakaroon ito ng epekto sa iyong katawan kung saan ang mga fats ay magiging energy source at ito ay mapupunta bilang energy storage.
Ayon naman sa US Centers for Disease Control and Prevention, ang soda, matamis na kape, iced tea, mga fruit drinks at energy beverages ang ilan sa leading source ng sugary content na nakakasama sa iyong katawan.
Ang kombinasyong ito ng pagkain ay pinapabagal ang pagtunaw ng fats sa ating katawan.
Ayon sa mga eksperto, kinakailangan pa ng mas malalim na ekperimento ukol rito pero mas mainam na umano iwasan ang kombinasyong ito sa pagkain upang mabawasan ang pag-aalala sa iyong weight management.