PINAS

Kuko, may nakapinturang mukha ni  Mark Zuckerberg

Ibinahagi ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook, ang isang larawan ng mga kuko ng tao, kung saan ay nakapintura ang mukha ng naturang bilyonaryo.

Na-post ni Zuckerberg ang larawan sa kanyang Instagram account at tinawag niya itong “A First.”

Ang naturang larawan ay mga kuko na nakapintura ang mukha ni Zuckerberg, may simbolo ng Facebook “Love” at “Like” button na pinaniniwalaang galing sa Communities Summit ng Facebook sa Chicago, kung saan ay dinaluhan ito ng 300 Facebook group administrators.