NI: SHANE ELAIZA ASIDAO
Plano ng Xiang Lu Dragon Group, nakabase sa bansang Taiwan, na magtayo ng pinakamalaking economic zone at pinakamatayog na gusali sa Pilipinas ayon kay director general of the Philippine Economic Zone Authoriy (PEZA).
Sinabi ni Plaza, itatatag ng naturang grupo ang isang 3,000- ektaryang economic zone at magtatayo ng 85-palapag na gusali.
Aabot sa USD360 bilyon o PHP18.2 trilyon ang planong ipuhunan ng Xiang Lu Group para sa economic zone na itatayo sa Pangasinan at PHP12 bilyon naman para sa information technology (IT) building sa Manila.
Ayon kay Plaza, pagmamay-ari umano ang naturang grupo ni Y.H. Chen, isang tagapaglunsad ng pinakamalaking economic zone sa Xiamen, China at may-ari ng pangalawang pinakamatayog na gusali sa Kaohsiung, Taiwan.
Ayon sa investment promotion agency, ang USD360 bilyon ay sasaklaw sa paglunsad ng economic zone at pamumuhunan ng mga locators.
Isa umano sa unang bahagi ng economic zone ang petrochemical facility na Dragon Aromatics, na pagmamay-ari ng Xiang Lu Group.
Ang naturang economic zone sa Pangasinan na magsasaklaw sa sampung lunsod at munisipyo ay magiging isang mixed-use facility samantalang target ng kumpanya na magpasok ng cement, tourism, at iba pang locators sa iba’t ibang sektor.
Magsasagawa ng pagpupulong ang kumpanya sa mga mayor ng naturang probinsiya hinggil sa lugar na nasa ilalim ng 3,000-ektaryang lupain para sa ecomic zone.
Nabili na ng naturang grupo ang isang lupain sa tabi ng Diamond Hotel sa may Roxas Blvd., Manila para sa itatayong IT building na nagkahalaga ng PHP12 bilyon.
Kasalukuyan umanong naghahanda ang kumpanya para sa aplikasyon nito sa PEZA.