Naibalik na ang kuryente sa ilang bahagi ng Ormoc City isang linggo matapos ang pagtama ng 6.5 magnitude na lindol sa Leyte.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ilang lugar sa Ormoc City ang nabigyan ng suplay ng kuryente mula sa Cebu.
kabilang rito ang Babatngon-Tacloban, Paranas, Calbayog, Maasin, Bohol, Pasar at Biliran.
Sa taya naman ng NGCP, maibabalik nila ang suplay ng kuryente sa Eastern Visayas sa katapusan ng buwan.