Tumalon ang isang lalaki sa tubig sa Liberty Bay, Kitsap County nang makita ang isang kawan ng dogfish sharks, nakahuli naman ang mga kamay nito ng isang batang pating.
Makikita sa video na nai-post sa Instagram ni Alex Winn, 19, estudyante ng University of Wisconsin-Eau Claire, nang tumalon siya sa tubig at lumitaw bitbit ang pating, na inilapag niya sa daungan pagkatapos.
Ipinaliwanag naman ni Winn na hindi niya sinaktan ang naturang hayop at ibinalik kaagad ito sa tubig. Hindi na lang umano niya nakuhanan ng video ang pagpapalaya sa pating dahil sa ‘lowbat’ na ang baterya ng ginamit niyang cellphone.