NI: GLAIZA TARIN
ANG “You Only Live Once” o YOLO ay isa sa mga expression o pamantayan ng mga tao sa pagbuo ng desisyon. May mga taong may travel Bucket List dahil gusto nilang sulitin ang ganda ng buhay. May Bucket List para sulitin ang panahon at mayroon namang kulang sa pera, oras at panahon para gawin ito.
Ano nga ba ang Bucket List?
Ito ay idiomatic expression na “Kick the Bucket” na nangangahulugang bago ang kamatayan, kaya ito ay isang checklist ng mga bagay na gustong gawin, makita at maramdaman bago mamaalam.
Noong 2007, binigyang-buhay naman ito sa pelikulang “The Bucket List,” kuwento ng 2 taong magkaiba ang antas sa buhay na parehong may cancer na nagbago sa proseso ng pagtuklas nila sa ganda at halaga ng buhay.
Ikaw, bakit ka may Bucket List?
Anuman ang dahilan mo, personal man o pangkatuwaan lang, isa lang ang tiyak. Gusto mo nang magandang alaala at ayaw mong pagsisihan na hindi mo sinubukan.
Maraming maganda sa buhay pero hindi lahat ay may magandang buhay. Mahaba pa ang panahon pero hindi lahat ay may mahabang buhay.
Kaya, gamitin nang tama ang oras at buhay mo ngayon.