Ni: Jannette Africano
Bakit kinakailangang isailalim ang Mindanao sa martial law nang lima pang buwan? Ano ba ang layunin nito?
Ilan lamang ito sa mga katanungang ipupukol ng mga miyembro ng Liberal Party sa gagawing joint session sa Sabado.
Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan ang pangulo ng partido, maiigi nilang i-aassess kung may basehan ba ang pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao.
At kung tama bang hilingin ang limang buwang extension para rito.
Kaya naman sa huli ay hinimok ni Sen. Pangilinan ang mga kasamahan sa kongreso na magsalita na at huwag umanong hayaan mawalan ng saysay ang joint session.
Kapwa nagpahayag rin sina Senate minority floor leader Franklin Drilon at Sen. Risa Hontiveros na tutol sila sa limang buwang pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao.
Sa Sabado ay muling haharap ang mga security officials ng bansa sa kongreso matapos silang magbigay ng security briefing sa senado.