NI: ANGEL PASTOR
Nakatatak na sa isip ng karamihan na malimit na dahilan ng atake sa puso ay ang mataas na altapresyon o dugo.
Ngunit ayon sa isang pag-aaral, pinag-iingat nila ang mga doctor sa pagpapababa ng dugo sa mga taong may coronary artery disease dahil maaari nitong mapataas ang peligro ng atake sa puso.
Base sa isang pagsusuri may 22, 672 na tao mula sa 45 na bansa na umiinom ng gamot sa puso.
Natuklasan nila na mataas ang risk ng atake sa puso at stroke kapag 140/80 ang dugo.
Subalit natuklasan nila may kinalaman o may malaking tsansa ng pagkamatay, atake sa puso at pagkakahospital dahil sa heart failure kapag mataas sa 120 mmhg ang systolic blood pressure at ang diastolic naman ay mababa sa 70 mmhg.
Sa may stroke naman nalaman nila na mas mababa ang bp ay mas maganda kaya nangangailangan pa sila ng masusing pag- aaral kung ano ang ideal blood pressure.
Gayon pa man payo parin nila ang pag- iingat sa pagbibigay ng gamot na pampababa ng dugo.