NI: ANGEL PASTOR
Halos lahat ng tao lalo na ang mga bata at estudyante sa kolehiyo ay mahilig sa mac and cheese dahil hindi raw umano ito delikado sa katawan.
Pero ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Coalition for Safer Food Processing at Packaging, ito pala ay masama sa kalusugan.
Nagsagawa ng pagsusuri ang laboratoryo sa 30 iba’t-ibang cheese products mula sa cheese powder hanggang sa processed cheese, maging ang buo o pinaghiwa-hiwalay na keso at lumabas na ang mga ito ay mataas na level ng pthalates o isang substansya na ginagamit sa paggawa ng plastic.
Ang mga cheese powder at processed cheese na ginagamit sa paggawa ng mac and cheese ay may mas mataas na level ng pthalate kumpara sa ibang cheese products na sinuri.
Labingisang health at environment advocacy groups nanawagan sa fda na i-ban ang pthalates mula sa paggawa, pagproseso at pag manufacture ng mga pagkain.
Lumalabas rin sa isang medical journal ng environmental research na mayroong negatibong epekto ang phthalate sa reproductive function ng mga kalalakihan.
Kaya naman, umiwas na sa pagkain ng masyadong matamis na pagkain kagaya ng keso sapagkat hindi maganda ang naidudulot nito sa kalusugan, hindi lang halata pero nagdadala na pala ito ng sakit na hindi natin inaasahan.