Sa England….
Dalawang beses isinara ng Gatwick Airport ang main runway nito matapos pumutok ang isang gulong ng eroplano sa pag-take off rito.
Ayon sa administrasyon ng paliparan, ibabalik nito ang operasyon ng mga flights gamit ang backup runway nito.
Ayon naman Sa Air Canada Rouge, ang airline na may hawak ng nasirang eroplano, inaayos na umano nila ang pangyayari.
Higit pa rito, humihingi na rin ito ng paumanhin sa matagal na pag-assist sa service desk ng returning passengers ng nasabing eroplano.