Papasimundan ng tatlong malalaking telecom operator ang 5G technology sa iilang lunsod sa China sa bago matapos ang taong ito ayon sa Economic Information Daily.
Ang mga pasisimundang mga proyekto ay itatatag sa mga lunsod kabilang ang Beijing, Shanghai, Chongqing, Guangzhou, Nanjing, Suzhou, at Ningbo.
Kabilang sa mga malalaking telecom ang China Mobile, China Unicom, at China Telecom.
Susubukin ng tatlong kumpanya ang 5G technology, magtatayo ng mga istasyon, at maglunsad ng mga aplikasyon kagaya ng autonomous driving, smart cities, at smart homes base sa network.
Ang naturang programa ay palalawakin sa iba pang sampung lunsod sa mga probinsiya ng Jiangxi, Hainan, Shanxi, Shandong, Zhejiang, at Hebei sa darating na mga taon.
Ang naturang aksyon ay makatutulong sa China na maging pangunahin sa global 5G standard at magbigay daan para sa komersyalisasyon at karagdagang pag-unlad sa teknolohiya.
Plano ng China na gawing komersyal ang 5G mobile networks na siyang magbigay ng mas mabilis na konektibidad at mababang paggamit ng enerhiya sa kasing aga ng taong 2020.