PINAS

Manila Bay, may pag-asa pang maibalik sa dating ganda – Mayor Erap

Sakay ng isang motor banca ay pinangunahan ni Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada katuwang ang ibat-ibang ahensya ng pamahalaan mula sa National Park Development Authority, Department of Tourism at ng Rizal Park Hotel  isinagawang clean up drive sa Manila Bay.

Sa panayam sinabi ni Mayor Erap na bumuo na ang maynila ng isang task force na magmimintina ng paglilinis sa Manila Bay.

Ayon pa kay Mayor Estrada personal nitong imo-monitor ang paglilinis sa Manila Bay.

Ang ginawang clean up drive ay bilang pagtalima sa kautusan ng Supreme Court na linisin ang Manila Bay.