Kailangan ang matibay na ebidensiya para umusad ang anumang nilututong impeachment case laban kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Justice Committee Chair Reynaldo Umali, madali lang ang maghain ng impeachment case pero pinakamahalaga sa lahat ang paglalabas ng ebidensiya.
Ginawa ni Umali ang pahayag matapos na ipahayag ni Attorney Lorenzo “Larry” Gadon na magsasampa siya ng impeachment case laban kay Sereno.
Isiniwalat niya ang diumano ay pagbili ni Sereno ng P8 milyon mamahaling sasakyan at ang hindi nito pagdedeklara ng kinita sa pagiging abogado noon para sa Philippine International Airport.
Sinabi rin ni Gadon na kumpiyansa siyang maraming kongresista ang mag-e-endorso sa impeachment case.